Mahigit isang taon matapos makunan si Alex Gonzaga sa dapat sana'y unang baby nila ni Mikee Morada, hindi pa rin matigil ang ilang bashers na muling ungkatin at gamitin ang masakit na alaala laban sa vlogger at TV personality.

Ito ang kalmanteng ibinahagi ni Alex sa kaniyang Facebook post, Huwebes, matapos muling puntiryahin ng isang Twitter user ang mabigat na yugto ng aktres noong 2021.

Basahin: Alex Gonzaga, binasag na ang katahimikan hinggil sa pagbubuntis – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“The urge to make Alex Gonzaga miscarriage jokes is irresistible,” mababasa sa isang account sa bird app.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Sa halip na makiusap na itigil na ang walang habas na pagpapaalala sa sa masakit na alaala, may hirit pa si Alex sa naturang basher.

“Pssst! Go lang if that will satisfy you I won’t mind. I’ll be the first one to laugh pa. You’re welcome,” anang aktres sa retweeted na pahayag ng netizen.

Agad na nag-viral ang screenshot copy nito sa Facebook.

“OKAY LANG talaga kung san kayo masaya,” pagbibigay-diin ni Alex sa kaniyang caption.

Sa pag-aalala, isang fan naman ang nagpaabot ng payo sa YouTube star.

“Pero OK LANG DIN na sabihin mo sa kanila na ‘nakakasakit na’, hindi sya biro at hindi pwedeng gawing biro,” anang follower.

Pagtugon ni Alex, “I know kasi my truth so it doesn’t really affect me.🤗

Sunod na nagbahagi ng isa pang cryptic post si Alex.

“Kapag may banat ka tingin mo COOL at havey naman wag mo idedelete. Panindingan mo kung di mo kaya wag mo nalang ipost at icomment. Hihinang nilalang naman oh,” mababasa sa hiwalay na Facebook post ng aktres, Huwebes.

Hindi ito ang unang beses na binigyang-pansin ni Alex ang parehong isyu.

Noong Mayo ngayong taon, isang netizen pa sa Twitter din ang binanatan ng aktres matapos ungkatin ang kaniyang miscarriage.

Basahin: Alex Gonzaga, binanatan ang tweet ng netizen tungkol sa miscarriage niya – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid