DOLORES, Quezon -- Binaril at namatay ang isang municipal councilor habang naglalakad kaninang Biyernes ng madaling araw, Nobyembre 18, sa Purok 2 Brgy. Dagatan ng bayang ito.

Kinilala ng Dolores Police ang biktima na si Orlando Barsomo, 47, binata, at residente ng naturang lugar. 

Sa inisyal na imbestigasyon, naglalakad ang biktima bandang 3:15 ng madaling araw nang sumulpot ang suspek at binaril ito sa ulo. 

Dead on the spot ang biktima at tumakas naman ang suspek.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nagsasagawa ngayon ng manhunt at follow up operation ang pulisya, Inaalam din nila ang posibleng motibo ng pagpatay at pagkakakilanlan ng suspek.