Naging abala sa ilang training sessions sa ilang eskwelahan, talent agency, beauty queens at maging sa ilang Kapuso talents ang tinaguriang “King of Talk” Boy Abunda kamakailan.

Ito aniya ang pinagkaabalahan bago ang napipintong pagbabalik sa telebisyon.

Dagdag nito, layon umano niyang magtayo ng academy para sa ilang short courses.

Ang tanong naman ng lahat ngayon -- moving on na ba ang host sa ibang TV networks o mananatili siyang Kapamilya?

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“That’s not easy,” pag-amin ng host sa isang panayam sa midya kamakailan.

“As of now, as I talk, hindi talaga madali. Hindi ako nagsisinungaling sa, “Di ko pa alam.” Pero maganda dahil I will sure I won’t burn bridges kung saka-sakali. Matuloy man o hindi; kung saan man ako, TV 7 or [GMA] 7 or kung ano pang istasyon, I will make sure na makikipag-usap ako nang matino,” pagbibigay detalye ng host.

Dagdag niya, pinahahalagahan umano niya ang mga nabuong relasyon kaya naman mahirap ang naturang proseso ng kaniyang pagdedesisyon.

Basahin: Kapuso muli? Boy Abunda, nakatakdang magbalik-telebisyon: ‘Tatlong taon na akong walang trabaho’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Nag-umpisa ko sa karera ko sa telebisyon sa Channel 7. Parati kong sinasabi na doon ako natutong lumakad, natuto akong lumipad sa ABS-CBN. Sa dami nang tulong ng marami, I didn’t do this thing alone. Mahirap dahil may mga relasyon akong pinangangalagaan,” dagdag na saad niya.

Sa lilipatang istasyon dapat umanong nauunawaan ang batikang host na nasa industriya na sa loob ng nasa 30 taon.

“Hindi naman ako 20 years old. Malapit na akong malaos. Let’s be very honest. All of us will go,” aniya pa.

Inaasahan naman ni Tito Boy na muli siyang matutunghayan sa isang talk show sa oras na bumalik sa telebisyon.