Patay ang lima katao matapos masunog ang isang pabrika ng paputok sa Calamba City sa Laguna nitong Biyernes, ayon kay City Disaster Risk Reduction and Management officer Carlito Alcaraz.

Sa report, nakilala ang mga nasawi na sina Leticia Yutan Corral, 83; James Darwin Corral Delluson, 22; Ryan James Guttierez, 18; at Kenneth Buebo, 24.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng ikalimang namatay sa sunog.

Aniya, bago maganap ang insidente, nakarinig ng malakas na pagsabog ang mga residente mula sa isang pagawaan ng paputok sa Sitio Majada, Barangay Canlubang hanggang sa ito ay sumiklab dakong 10:00 ng umaga.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Matapos ang mahigit dalawang oras ay naapula ang sunog na umabot sa ikalawang alarma.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang insidente.