Nagsalita na si Neil Arce hinggil sa isyung hiwalay na sila ng aktres na si Angel Locsin.

 

Ibinahagi ni Ogie Diaz sa kaniyang recent vlog, na inupload nitong Huwebes, Nobyembre 17 sa YouTube channel na "&t=763s" data-type="URL" data-id="&t=763s">Ogie Diaz Showbiz Update," ang mensahe ni Neil hinggil sa fake news na kumakalat na hiwalay na sila ng aktres at sa iba pang mga isyung umuusbong dito.

Ani Niel, donate na raw nilang mag-asawa sa mga umano'y fake news peddlers ang kikitain ng mga ito sa pagpapakalat ng fake news.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“Me and my wife are charitable people. Donation na po namin sa fake News peddlers yang kikitain nila sa pagpakalat ng fake News," sey niya.

"Besides deserve naman ng followers and subscribers nila makarinig ng kasinungalingan," patutsada pa nito. 

Hindi mawala-wala ang espekulasyon ng mga netizen sa tunay na lagay ng relasyon ngayon ng mag-asawa, na ilang linggo na ring pinag-iisipang “on the rocks” na raw dahil sa matagal na pananahimik ng tinaguriang “real-life Darna” sa social media.

Marami rin ang naghanap kay Angel sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Paeng sa bansa noong Oktubre, lalo’t kilalang mabilis at umaaksiyon kaagad ang aktres sa paghahatid ng tulong sa mga biktima.Sa isang panayam, sinabi ni Dimples Romana na isa sa malalapit na kaibigan ni Angel na deserved naman ng kaibigan ang kaniyang pananahimik o hiatus sa social media.

Ayon pa sa aktres, nakakausap niya naman ang kaibigang si Angel at mister na si Neil, at maayos naman daw ang relasyon ng dalawa.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/11/09/dimples-romana-nagsalita-na-tungkol-sa-pananahimik-ng-kaibigang-si-angel-locsin-sa-socmed/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/11/09/dimples-romana-nagsalita-na-tungkol-sa-pananahimik-ng-kaibigang-si-angel-locsin-sa-socmed/

Samantala, sinagot na rin ng showbiz columnist-showbiz vlogger na si Ogie Diaz ang tungkol dito sa kaniyang “Ogie Diaz Showbiz Update” noong Nobyembre 5.

Iginiit ni Ogie na pinili na muna ni Angel na manahimik sa social media at magpokus sa kaniyang pamilya, lalo’t inaalagaan din nito ang amang si Angel Colmenares na 94 taong gulang na.

Hindi rin umano totoo ang tsikang hiwalay na sila ni Neil, na buntis na ito, at lulundag na sa ibang TV network.

Nitong Nobyembre 16, muli na namang nakalkal ang isyung ito nang kumalat ang mga blind item sa isang aktres na umano’y nakabuntis ang mister ng ibang babae.

Umigting pa ito sa blind item ng tinaguriang “Pambansang Lalaking Marites” na si Xian Gaza. Binigyan niya ng inisyal na “A.L.” ang kaniyang blind item, bagama’t wala naman siyang tinukoy kung celebrity ba ito o kung saang larangan ito nabibilang. Naging mabilis naman ang mga netizen sa panghuhula at name dropping na baka ang tinutukoy umano ni Gaza ay si Angel Locsin.

Lalo pang “namula ang hasang” ng mga Marites nang ibahagi ng social media personality ang litrato ng mag-asawa, at ng aktres na si Maxene Magalona.

Kani-kaniyang hula tuloy ang mga netizen kung bakit ginawa ito ni Gaza.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/11/16/sinetch-itey-panibagong-blind-item-ni-xian-gaza-usap-usapan/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/11/16/sinetch-itey-panibagong-blind-item-ni-xian-gaza-usap-usapan/

As of today, Nobyembre 17, burado na ang blind item at cryptic post ni Gaza tungkol dito.

Sa November 16 episode naman ng “Cristy Ferminute” ay natalakay nina Cristy Fermin at Romel Chika ang kumakalat na tsismis patungkol kina Angel, Neil, at Maxene.

“Ito na po ‘yung isang isyu na nagsimula lamang sa pagiging tahimik,” ani Cristy, na ang tinutukoy ay ang showbiz at social media hiatus ni Angel.

“Opo, Nanay. Ang nakakapagtaka, lumalabas pa ‘yung mga picture nila dati, ni Maxene at saka ni Neil kaya parang ano ba ‘to? Bakit kinakailangang humalukay ng mga kuwentong nagdaan na, na inilalagay sa ngayong mga kuwento,” segunda naman ni Romel Chika.

“Pero tama ka, hinahalukay pati ‘yung nakaraan. Pati ‘yung diumano ay nagdalantao si Maxene, di ba?”

“Hay naku, hindi po natin alam ‘yung mga vlogs na naglalabas ngayon ng ganitong mga balita. Hintayin po muna natin na magsalita ang mag-asawa para magkaroon po ng saysay at linaw ang kuwentong ito,” nasabi na lamang ng showbiz columnist.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/11/17/maxene-magalona-idinadawit-sa-isyu-ng-umanoy-hiwalayang-angel-locsin-at-neil-arce/