LOPEZ, Quezon - Natagpuan ng isang residente ang isang bagong silang na sanggol na nakalagay sa loob ng isang plastic bag noong Miyerkules ng umaga, Nobyembre 16, sa Brgy. Gomez ng bayang ito.

Ayon sa Lopez Police, lalaki ang naturang sanggol na natagpuan ni Rosa Fe Ausa, 32, at residente ng naturang lugar dakong alas-6:20 ng umaga.

Sa pahayag ni Ausa sa pulis, nakarinig siya ng iyak ng sanggol kaya't hinanap niya ito. Nakita niya ang isang plastic bag sa tabi ng kalye at nang kaniyang tingnan ay nakita niya sa loob ang sanggol at nakakabit pa ang umbilical cord.

Agad niyang dinala ang sanggol sa Magsaysay District Hospital para medical examination.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nagsagawa na ng imbestigasyon ang pulisya at nirebyu ang CCTV footage para sa posibleng pagkakakilanlan ng ina ng sanggol at nakipag-ugnayan sa Municipal Social Welfare Development Office.