Dahil hindi nilinaw sa naturang interview vlog ng celebrity doctor na si Vicki Belo kasama ang TV personality at vlogger na si Alex Gonzaga, nakaladkad sa intriga ang pangalan ni Heart Evangelista kamakailan.

Pagbabahagi kasi ng dalawa sa kamakailang YouTube content, ‘di raw sila pinansin ng international fashion star sa isang Gucci show noong Setyembre.

Basahin: Vicki Belo sa pag-snub umano ni Heart sa kanila ni Alex sa Milan Fashion Week: ‘Di ka man lang nag-hi’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Agad na kumalat ito online matapos magawang showbiz scoop ng ilang balita.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“Pero ‘di tayo pinansin ni Heart. Hoy Heart!” pabiro pa lang paghirit ng celebrity doctor sa usapan nila ni Alex kaugnay ng fashion week.

“Oy ano ‘to mars [Heart]? Sa Manila magkakaibigan tayo,” sunod na paggatong ni Alex.

“Mars [Heart] we’re on the same fashion show hindi ka man lang nag-hi,” dagdag ng celebrity doctor.

“Mars, nanood ako ng ‘Luna Mystika,’ mars,” pilyang pagpapatuloy ni Alex habang binabanggit ang dating palabas ng aktres.

“‘Di ba nandoon kami sa Gucci, front row din tayo ‘di ba,” dagdag muli ni Vicki.

“Nanuod kami ng ‘Hiram,; soap opera mo, ‘Panday.’ Mga soap opera niya sinuportahan natin siya, sana naman suportahan niya tayo dito [fashin week],” nakakatawang pagpapatuloy ni Alex.

Matapos namang mapag-usapan, kumambyo sa isang Facebook post si Alex.

“Ay… hindi po kami nagkita sa Milan biruan lang po namin yan ni Dra if you watch the whole vlog. Heart is nice since Pangarap na Bituin circa 2007 pa po sa’kin at magkaibigan kami. Hindi na dapat ginawang news mga ganito,” mababasa sa caption ng TV host sa ibinahaging news article, Martes.

Wala pang hiwalay na pahayag ang celebrity doctor kaugnay ng kontrobersiyal na YouTube vlog.

Kasalukuyan na itong nasa 679,000 views sa pag-uulat.

Wala na ring reaksyon pa si Heart ukol sa isyu.

&t=181s