Aminado si Kapamilya singer Angeline Quinto na nakarating sa kaniya ang mga intriga ukol sa umano’y kawalan ng hanapbuhay ng kaniyang fiancé na si Nonrev Daquino.

Agad naman itong pinabulaanan ng singer at dinepensahan ang kaniyang partner.

“Ang dami kong nababasang ganon. Si Non naman, kapag talagang nakakita kami ng ganun [mga intriga], talagang tinatawanan na lang namin,” ani Angeline sa naganap na press conference kamakailan.

“Alam naman namin na kaming dalawa ‘yung nagkakaintindihan. Kaming dalawa ‘yung pupuno kung anuman ang pangangailangan ni Sylvio,” dagdag ng celebrity mom.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Hindi na ito ang unang beses na naipit sa parehong intriga ang partner ng Kapamilya singer kung saan simula nang lumantad sa publiko, tila negatibong reaksyon ang inani ni Nonrev kaugnay ng tunay na intensyon umano nito sa singer.

Basahin: Jowa ni Angeline Quinto, inaakusahang namemera lang daw; singer, nagsalita na – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Noong Setyembre lang nang ianunsyo ni Angeline ang kaniyang engagement kay Nonrev matapos ang tila mala-Romeo and Juliet na istorya ng kanilang pag-iibigan.

Basahin: Tinutulan man ay mauuwi pa rin sa kasalan: Angeline Quinto, Nonrev Daquina, engaged na – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Paglilinaw ni Angeline sa isyu, “Meron naman siyang maliit na business. Ngayon nasa insurance sales siya.”

Dagdag ng singer, handa rin siyang tulungan ang partner sa ibang negosyo nito sa abot nang kaniyang makakaya.

Samantala, wala pang petsang ibinahagi ang singer ukol sa kaniyang nalalapit na kasal.

Inaasahan namang magiging abala si Angeline sa kinabibilangang bagong TV reality show ng ABS-CBN na “Dream Maker.”