Umalis muli ng bansa si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. upang dumalo sa 29th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Thailand.

Layunin ng pagdalo ni Marcos sa pagpupulong na maisulong ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa sa gitna ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).

Sisimulan ang pagpupulong sa Nobyembre 18-19.

Kakauwi lang ni Marcos sa bansa nitong Lunes mula sa ilang araw na pagdalo sa ASEAN meeting sa Cambodia.

National

‘Julian,’ mas lumakas pa; Signal No. 3, itinaas na

Ang pagpupulong ay inaasahang tutuon sa tema nitong "Open. Connect. Balance" kasabay na rin ng paghahangad ng Asia-Pacific nations ng ligtas, at maginhawang cross-border travel upang mapabilis ang pagbangon ng ekonomiya ng mga ito na pinabagsak ng pandemya.

"Ang dala nating sa ganitong klaseng mga summit at mga meeting ay ang ating pangarap para sa magandang buhay. This is what we aspire for -- a peaceful, prosperous Asia-Pacific region," bahagi ng departure statement ni Marcos sa Villamor Airbase sa Pasay City nitong Miyerkules.

"We have already gone through a lot but we do not waver on our dream, ang ating pangarap na wala nang ginugutom na Pilipino and we will achieve the upper-middle income Philippines," dagdag pa ng Pangulo.