Pinag-aaralan ngayon ng gobyerno ang pagpapatayo ng isa pang National Bilibid Prison sa labas ng Metro Manila.

Nitong Miyerkules, sinabi ni Senator Ronald "Bato" Dela Rosa sa isang television interview, pinag-iisipan ng pamahalaan na itayo ito sa Sablayan sa Occidental Mindoro.

"But then again, ang problema, hindi nakalagay sa kanilang budget. Hindi nakalagay talaga iyong funding para sa implementation ng batas na iyan. Hindi nakalagay ngayon, kaya ipapasa na naman sa amin sa Congress ang problema. Maghahanap pa ng pondo," sabi ng senador.

Plano aniya nito na i-realign ang ilang bahagi ng panukalang pondo ng Department of Justice (DOJ) para sa 2023, sa pagpapatayo ng bagong gusali ng correctional facility.

National

Hontiveros, pinaiimbestigahan napaulat na mga Pinay na ginagawang surrogates abroad

"I will move for the realignment of some lesser priority projects and programs na pondo nila to the construction ng correction facility nila na nakalagay sa batas. Sana makakuha ako ng suporta ng aking mga kasamahan," paglilinaw ni Dela Rosa, chairman ng Senate committee on public order and dangerous drugs.

Naiulat na naghain na ng P26.6 bilyong panukalang budget ang DOJ para sa 2023, gayunman, hihimayin pa ito sa Senado.

Binigyang-diin ng senador ang posibilidad ng pagpapatayo ngregional maximum security prisons upang mabisita umano ng mga pamilya ang nakakulong na kamag-anak.

"Papaano makakabisita ang pamilya kung sila'y taga-Cotabato tapos andito ngayon sa Bilibid nakakulong? Malayo masyado kaya dapat i-regionalize natin," pagdadahilan pa ng senador.