QUEZON - Nasamsam ng mga awtoridad ang aabot sa₱1.3-milyong halaga ng shabu na ikinaaresto ng isang babae sa ikinasang buy-bust operation saPleasantville Subdivision, Barangay Ilayang Iyam sa Lucena City nitong Martes ng gabi.

Kinilala ni Lucena City Police chief Lt. Col. Reynaldo Reyes ang suspek na si Jonalyn Sagala, taga-LucbanStreet, Purok Atin-atin, Barangay Marketview sa naturang lungsod.

Dakogn 10:30 ng gabi nang maaresto ng mga tauhan ng Povincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Provincial Intelligence Unit-Quezon, Philippine Drug Enforcement Agency-4A-Quezon, at Lucena Special Drug Enforcement Unit ang suspek.

Sa report ng pulisya, nasa 66.13 gramo ng illegal drugs ang nakumpiska na nagkakahalaga ng₱1,349,052.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Naasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag saRepublic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002).