Matatandaan ang pinag-usapang cryptic post ni Loisa Andalio kamakailan ukol sa mga pangakong napako.

“Promises are worse than lies, you don’t just make them believe, you also make them hope,” mababasa sa nakaraang online post ng aktres.

Bago pa kasi malinaw ng aktres na hindi ito tungkol sa relasyon nila ng aktor na si Ronnie Alonte, kaliwa’t kanang intriga na ang kumalat online.

Basahin: Cryptic post ni Loisa Andalio tungkol sa ‘promises’, usap-usapan; tungkol ba sa lovelife? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Claudine umapela ng dasal para sa 87-anyos na nanay: 'She is the only parent I have left'

Kabilang nga rito ang umano’y pinagdadaanang problema ng showbiz couple. May ilan pang naglabas ng haka-haka ukol sa umano’y pagtataksil ni Ronnie sa young actress.

Sabay-sabay naman itong pinabulaanan ni Loisa kasunod ng isang Facebook post ng Kapamilya Online World.

Anang aktres, isang fake news ang naturang mga espekulasyon, intriga ukol sa ilan taon nang relasyon nila ni Ronnie.

Basahin: Loisa, may pilyang hirit sa netizens kasunod ng viral Halloween peg ng dyowang si Ronnie – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Agad namang kinabunutan ng tinik sa dibdib ang solid fans ng love team dahil sa paglilinaw ni Loisa sa isyu.

Ang screen at real-life couple ay umusbong kasunod ng reality TV show na “Pinoy Big Brother.”