Magtatambal sa kauna-unahang pagkakataon sina Kapamilya star Piolo Pascual at Kapuso actress Bianca Umali, ayon sa isang showbiz scoop.

Nitong Lunes, ayon sa isang Facebook page na “Kapuso Netizens,” isang social media arm na suportado ang GMA Kapuso Network, nakatakdang magkatrabaho ang dalawang stars para sa susunod na pelikula ng direktor na si Irene Villamor.

Kilala si Direk Irene sa mga patok na pelikulang “On Vodka, Beers and Regrets,” “Meet Me in St. Gallen” at “Ulan.”

Hindi naman nagbigay pa ng dagdag na detalye kagaya ng titulo ng pelikula, at release date ang naturang scoop.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Wala pa ring kumpirmasyon sa ngayon ang parehong kampo ng dalawang aktor, maging ang ABS-CBN at GMA ukol sa umano’y proyekto.

Gayunpaman, sa tila unti-unting pagkabuwag sa tinaguriang “network wars” dahil na rin sa ilang partnerships ng dalawang network kamakailan, hindi nakikitang imposible ito ng maraming tagasubaybay.

Basahin: Vice Ganda, pinuri si Kapuso actress Bianca Umali – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ngayon pa lang ay nagpahayag na ng excitement ang ilang fans sa potensyal na proyekto.

“Ma-challenge nang husto si Bianca kay Papa P dhil isang napakagaling na actor si P na nagmula sa ABS-CBN,” anang isang netizen sa scoop.

“Wow! Best combination of. Magaling na actress si Bianca Umali. Gem💎siya ng GMA7 Kapuso!❤️Good Luck with Papa P! Piolo Pascual, segunda ng isa pa.”

“Refreshing ang ganyan dapat talaga pwede sila partner khit kanino,” sunod na pagsang-ayon ng isa pa.

Wala pang reaksyon pareho si Bianca at Piolo ukol dito.