Ipinagbabawal na ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin ang pagso-solicit ng mga pulis ngayongKapaskuhan.

“We are directing our PNP units nationwide na to refrain susulat ng tema ng Merry Christmas, mga ganyan. Alam natin na siyempre common 'yan, parang 'yung reciprocity but this time sabi ko nga puwede ba maging istrikto tayo,” pagdidiin ni Azurin sa isinagawang press conference sa Camp Crame nitong Lunes.

Dapat aniya ay maging sensitibo ang mga pulis sa pinagdadaanan ng publiko sa gitna ng pandemya ng coronavirus disease 2019 sa bansa kung saan marami ang nawalan ng trabaho, at pilit pa ring bumabangon ang mga negosyo.

"Makisama tayo, ibig sabihin we celebrate Christmas with puwede naman tayo magsaya na hindi naman magastos 'yung atingpagse-celebrate ng Christmas,” aniya.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nanawagan din ito sa publiko na itigil na ang pamimigay ng regalo sa mga pulis na mahigpit na ipinagbabawal ng batas.

“It's part of the appreciation ng maayos na pagtatrabaho nila so let's not cross more than our entitlement lalo na kung pipilitin mo, eh 'yun ang bawal na bawal,” sabi ng opisyal.

Mahaharap aniya sa kasong kriminal at administratibo ang lalabag sa direktiba nito.