Lima ang naiulat na nasawi, kabilang ang isang 2-anyos na lalaki, sa apat na oras na sunog sa isang residential area sa Navotas City nitong Lunes ng hapon, ayon sa pahayag ng Bureau of Fire Protection (BFP) nitong Lunes ng gabi.

Sa paunang ulat ng Public Information Office ng BFP-National Capital Region, nakilala ang mga nasawi na sina Asuncion Gonzales, 50, Teresa Lopez, 40, Darlene Baluyot, 19, at Diorella Gonzales, 18, at Thirdy Lopez, 2.

Sugatan naman sa insidente sina Josefina Sarate, 64, at Carlos Solidan, 51.

Sa report, dakong 3:58 ng hapon nang sumiklab ang sunog sa Cadorniga St., Barangay Bagumbayan, Navotas City.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Umabot sa Task Force Alpha ang sunog na naapula dakong 8:29 ng gabi.

Inaalam pa ng arson investigators ang sanhi ng insidente at halaga ng naabong ari-arian.

ReplyForward