APARRI, Cagayan — Isang napaulat na nawawalang pasahero ng bangkang lumubog sa Cagayan River sa Barangay Macanaya noong Biyernes, Nob. 11 ang natagpuang palutang-lutang nitong Linggo.

Ang wala nang buhay na biktima ay kinilalang si Erold Leste.

Natagpuan si Leste ng isang mangingisda na naglalayag sa naturang ilog.

Pito sa kanyang mga kasama ang una nang nailigtas.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Lahat sila ay residente ng bayang ito at patungo sana sa Barangay Punta para dumalo sa burol ng isang kamag-anak nang lumubog ang kanilang bangka dahil sa malakas na agos ng Cagayan River.