Nakapagtala pa ng 1,858 na panibagong nahawaan ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa.

Sa pahayag ng Department of Health (DOH), umabot na sa 4,018,253 ang kaso ng sakit sa bansa nitong Linggo, Nobyembre 13.

Sa naidagdag na bilang ng nahawaan, 349 ay naitala sa Metro Manila, ayon sa ahensya.

Tumaas naman sa 19,176 ang aktibong kaso ng sakit habang umakyat na sa 3,934,690 ang nakarekober.

National

‘Julian,’ mas lumakas pa; Signal No. 3, itinaas na

Nadagdagan pa ng lima ang binawian ng buhay nitong Linggo kaya pumalo na ito sa 64,387.

Sa datos ng DOH, nasa 73.6 milyon na ang bakunado laban sa virus, kabila ang 20.7 milyong naturukan ng booster shots.