Espesyal na selebrasyon sa isang child center napiling ipagdiwang ng aktres na si Dimples Romana ang kaniyang ika-38 na kaarawan ngayong Linggo.

Sa pamamagitan ng “He Cares Mission,” isang Christian-driven foundation na itinatag ni Joe Dean Sola, nagbahagi ng kaniyang blessings sa mga batang-kalye ang aktres.

Sa mga larawang ibinahagi nitong Linggo, makikitang isang masarap at isang pinggang treat sa mga bata ang handog ni Dimples na aniya’y naging mukha rin ng kaniyang pag-asa, saya at biyaya sa nakalipas na 37 taon.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

"An abundance in LOVE, PATIENCE, OPPORTUNITIES, DOORS opening, BIG DREAMS finally coming to life, quality FRIENDSHIPS and WARM, ENDURING kind of love!!!" mababasa sa kaniyang Instragram post, Linggo.

Basahin: Baby Elio ng aktres na si Dimples Romana, pinanggigilan ng netizens, kapwa celebrities – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Hindi naman mapigilang maantig at magbalik-tanaw ang aktres at mom of three sa parehong dinanas na sitwasyon noong kaniyang kabataan.

“As they were doing worship before the meals yesterday I can’t help but look back at how the child in me still longs for the same things, only bigger, only deeper. But same hopes and dreams and prayers,” pagbabahagi ni Dimples.

Pagtatapos ng aktres, “None of these belong to me, though I feel unworthy, still, You lord, call me by my name, and make me blessed and worthy.”

Sa huli, pinasalamatan ng celebrity mom ang mga taong naging bahagi para maging "the best yet" ang kasalukuyang taon