Hindi pa man humuhupa para sa mga nawindang na netizen ang na-sightsung nilang "bukol" sa Spider-Man costume ng Kapamilya actor na si Ronnie Alonte noong Halloween, heto't pinagkaguluhan na naman ang kaniyang latest Instagram photos.

Makikita sa kaniyang Instagram post nitong Biyernes, Nobyembre 11, ang kaniyang mga litrato sa harap ng kaniyang motorsiklo na nakaparada sa garahe ng kaniyang bahay. May caption itong "nytnyt!".

Sa bandang dulo, kitang-kita ang kaniyang pa-abs pero naka-black and white nga lang. Bagama't hindi masyadong kita, sapat na sapat na ito upang magkagulo na naman ang mga "pumapantasya" sa boyfriend ni Loisa Andalio.

Sa comment section, may mga nagsabi pang mala-Justin Bieber ang taglay niyang appeal.

National

Mga residente sa Bicol region, stranded dahil sa malawakan at lagpas taong pagbaha

"Mala-Justin Bieber ang pogi mo rito…"

"Justine Bieber!"

"Hi po, pogi mo po!

"Pogiii loloveess…"

"Angas mo tol…"

"Pogi huhuhu!"

Si Justin Bieber ay kinakikiligang Canadian singer na nagpasikat ng mga awiting "Love Yourself", "Where are U Now", "Sorry", at iba pa.