Patay ang isang lola at ang alagang aso sa isang sunog na sumiklab sa kanilang tahanan sa Tondo, Manila nitong Sabado ng madaling araw.

Supokasyon ang ikinasawi ng biktimang si Juanita Bitco, 79, habang nagtamo naman ng mga paso sa katawan ang kanyang mga anak na sina Josephine at Erlinda. Batay sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), naganap ang sunog dakong alas-2:54 ng madaling araw sa Gagalangin, Tondo.

Minalas namang ma-trapped ang lola sa loob ng nasusunog na tahanan.

Yakap pa umano ng lola ang alagang aso nang marekober ang bangkay nito.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nabatid na bumisita lang umano ang biktima sa mga kaanak at nakatakda sanang umuwi sa kanila sa katapusan ng Nobyembre ngunit sinawimpalad na bawian ng buhay sa sunog.

Umabot lamang sa ikalawang alarma ang sunog bago idineklarang fire out dakong alas-4:05 ng madaling araw. Nabatid na aabot sa 30 pamilya ang naapektuhan ng sunog at pansamantalang nagkakanlong sa isang covered court.

Sinasabing isang pumutok na charger ng cellphone ang sanhi ng sunog ngunit masusi pa itong iniimbestigahan ng mga otoridad.