Kasama ang cute na cute na unica hija na si Dahlia, sa isang quick getaway ipinagdiwang nina Anne Curtis at Erwan Heussaff ang i kanilang ikalimang taon bilang mag-asawa.

Ito ang parehong ibinahagi ng celebrity couple sa magkahiwalay na mga Instagram post, Sabado.

“Whisked off to paradise for a quick getaway to celebrate our anniversary 🤍 Love you both so much @erwan. Here’s to many more core memories made, 🌼” mababasa sa Instagram post ni Anne.

Inulan naman ng pagbati mula sa kapwa celebrities ang espesyal na araw para sa showbiz parents.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“Cuties!!!!!! Happy anniversary!!!!! Ang cute ni Dahlia!!!!😍😍😍” komento ni Kim Chiu sa IG post ni Anne.

“The best place! Happy anniversary! ❤️” segunda ni Bianca Manalo.

Ilan pang kasamahan sa showbiz at mga kilalang designers ang nagpaabot ng pagbati sa dalawa.

Sa isang hiwalay na IG post, sa pamamagitan ng isang Instagram reel, nagbalik-tanaw naman si Erwan sa kabuuang labindalawang taon na nilang pagsasama ng Kapamilya actress.

Limang taon nang mag-asawa ang showbiz real-life couple, at dalawang taon nang magulang sa cute na cute na si Dahlia.