ISABELA -- Natagpuan ang bangkay ng isang 5-anyos na lalaki na nalunod sa irigasyon sa Brgy. Daramuangan Norte San Mateo, Isabela nitong Sabado ng umaga, Nobyembre 12.

Sinabi ni Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer Joverner Dupilas sa isang lokal na istasyon ng radyo rito, na natagpuan ang bangkay ng biktima sa irigasyon sa Brgy. Marasat Pequeño.

Naunang naiulatna nawawala ang biktimang si Nathaniel Calingasan noong Biyernes. Sinubukan pa itong hanapin ng kaniyang kamag-anak pero nabigo ang mga ito.

Ayon sa ulat, umuwi ang biktima pagkatapos ng kaniyang klase at marahil ay nagtungo ito sa irigasyon at doon na nalunod.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol