Arestado ang isang lalaki matapos umanong gahasain at patayin ang dalawa niyang stepdaughter na menor de edad sa Sta. Cruz, Davao del Sur nitong Biyernes ng madaling araw.

Nakapiit na sa Sta. Cruz Municipal Police Station ang suspek na si Jessie Bon Palomo, taga-Cotabato City, ilang oras pagkatapos ng krimen.

Sa police report, nadiskubre ang bangkay ng magkapatid--isang 15-anyos at isang 11 taong gulang, sa loob ng kanilang bahay sa Purok Mangga, Sitio Landing, Barangay Darong nitong Biyernes ng umaga.

Ayon sa naturang testigo, narinig niyang humihingi ng saklolo ang magkapatid na biktima dakong 1:00 ng madaling araw. Gayunman, binalewala niya ito.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nitong Biyernes ng umaga, nagpasya siyang silipin ang magkapatid at nagulat na lang ito nang makita ang bangkay ng dalawa kaya agad niyang ini-report sa pulisya.

Sinabi naman ni Sta. Cruz Police chief, Lt. Col.Kristopher Sabsal, wala na ang suspek nang magresponde sila sa lugar kaya inalerto nito ang mga pulis sa mga karatig-lugar upang maharang ito.

Natiyempuhan si Palomo habang nasa biyahe sa Banisilan sa North Cotabato kaya inaresto kaagad.

Nakumpiska sa suspek ang isang12-gauge homemade shotgun at isang sachet ng illegal drugs.

Natuklasan ng mga imbestigador na wala sa lugar ang ina ng magkapatid dahil nagtatrabaho ito sa Saudi Arabia.

Nahaharap na sa kasong double homicide, rape, pag-iingat ng baril at iligal na droga ang suspek, ayon pa sa pulisya.

PNA