Palalawigin pa ng Cebu provincial government ang ipinaiiral na temporary ban sa pagpasok ng mga karneng baboy at iba pang kauri nito mula sa Iloilo at Panay dahil na rin ng paglaganap ng African swine fever (ASF) sa mga nasabing lugar.

Ito ang ipinangako ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia kasunod na rin ng pagkabigong sugpuin ng mga awtoridad ang lumalaganap na sakit sa mga natukoy na lugar.

“What we should be afraid about really is the ASF. Right now, of the 81 provinces in the entire country, 62 provinces are already infected with ASF. They have not been able to control the ASF spread in Panay [and] Iloilo,” bahagi ng Facebook post ni Garcia nitong Miyerkules.

“I will extend it (pork ban). We were trying to study ba kung ma-contain ba, wala. They have not contained it,” sabi ng gobernador.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nitong Oktubre 13,iniutos ni Garcia na bawal munang ipasok sa lalawigan ang mga karne ng baboy at iba pang produkto nito upang hindi lumaganap ang sakit.

“I have asked again the airlines, as well as the authorities sa airport to keep repeating the warning that is contained under my executive order they cannot bring in [pork] domestic from Manila, Davao, from wherever, they cannot bring in any pork and pork-related products,” sabi pa nito.

Matatandaanginiutosni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Department of Agriculture (DA) na suriin ang lahat ng breeding sites sa Western Visayas upang makontrol ang pagkalat ng ASF.