Pumalo na sa ₱6.1 bilyon ang napinsala sa sektor ng agrikultura ng bagyong Paeng, ayon sa pahayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Huwebes.

Sa report ng NDRRMC, aabot sa ₱6,190,088,661 ang nasira ng bagyo sa pananim sa Region 1,2.3, Calabarzon (Region 4A), Mimaropa (Region 4B), BARMM (Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao) at Cordillera Administrative Region (CAR).

Nasa 144,682 magsasaka at mangingisda ang naapektuhan at umabot sa 134,651.205 ektaryang taniman ang napinsala ng bagyo.

Sa pagtaya ng ahensya, pumalo na sa ₱5,055,450,437.88 ang nasirang imprastraktura sa Region 1, 2, 3, Calabarzon, Mimaropa, 5, 6, 7, 10, 11, 12, BARMM, at CAR.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Naitala rin ng NDRRMC ang 53,096 na nasirang bahay habang nasa 47,988 bahay ang bahagyang nasira.