Trending sa Twitter si Manila 6th district Representative Bienvenido Abante Jr. matapos niyang ihain ang isang house bill na magbibigay ng proteksiyon sa "heterosexuals".

Ang naturang house bill 5717, na may pamagat na "An Act recognizing, defining, and protecting the rights of heterosexuals and for other purpose" ay magsusulong naman umano ng mga karapatan ng heterosexuals, sa kabila ng pagsusulong naman sa mga karapatan at proteksiyon ng LGBTQIA+ community. Tatawagin din itong "The Heterosexual Act of 2022".

Screengrab mula sa Twitter

National

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol

“While we welcome interest in HB [House Bill] 5717, it is our hope that attention to the other priority measures and advocacies of Rep. Abante is also given, especially those that will have a tremendous impact on the lives of the Filipino people,” ayon sa tanggapan ni Abante sa isang pahayag nitong Miyerkules ng hapon, Nobyembre 9.

Binubuo ng siyam na seksiyon ang naturang act at binubuo ng limang pahina. Makikita rin sa naturang Act ang pagbibigay-termino sa heterosexuals, homosexuals, bisexuals, transgender, at queer.

Screengrab mula sa Twitter

Screengrab mula sa Twitter

Bilang isa ring pastor, isa sa mga highlight ng act ay ang pagkakaroon ng kalayaan ng heterosexuals na maisapraktika ang kanilang pananampalataya, pagpili ng relihiyon, paniniwala at pananaw, makipagtalastasan nang malaya sa kahit na sinuman sa publiko o pribado man, at magawa ang mga bagay na makapagpapaligaya sa kaniya bilang isang heterosexual.

Hati naman ang naging opinyon at saloobin dito ng mga netizen.