CAMP MELCHOR F. DELA CRUZ, UPI, GAMU, ISABELA -- Nakatanggap ng financial assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 29 na dating rebelde sa ilalim ng Livelihood Settlement Grant of the Sustainable Livelihood Program ng ahensya. 

Ayon sa datos ng DSWD RO2, natapos na nila ang distribusyon ng  financial assistance may kabuuang halaga na P360,000 para sa mga dating rebelde at sa mga pamilya nila sa Nueva Vizcaya.

Umaabot naman sa 29 na mga dating rebelde mula sa Nueva Vizcaya ang nakatanggap ng P20,000 habang tatlong livelihood associations naman ang nabigyan ng tig-P300,000 halaga ng sustainable economic package.

"Napaniwala ang kaisipan namin sa mga pangako nung hinikayat kami sa kilusan. Kinalaunan napagtanto naming hindi pala totoo ang pangakong ito. Kaya sa pagbabalik-loob namin, malaki ang pasasalamat ko sa hanay ng gobyerno," sabi ng isang dating rebelde na si alyas Aning.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ang mga benepisyaryo ay mula sa Ambaguio, Bagabag, Bayombong, Dupax del Norte, Dupax del Sur, Kasibu, Sta. Fe, at Villa Verde.