Tatlong sundalo at tatlong umano'y miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang napatay sa naganap na sagupaan sa Ungkaya Pukan, Basilan nitong Martes, ayon sa pahayag ng militar nitong Huwebes ng umaga.

Sa pahayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP)-Western Mindanao Command spokesperson Lt. Col. Abdurasad Sirajan, ang tatlong nasawing sundalo ay pawang miyembro ng 18th Infantry Battalion (IB).

Gayunman, hindi muna isinapubliko ng opisyal ang pagkakakilanlan ng tatlong sundalo dahil hindi pa ipinapaalam sa kani-kanilang pamilya ang insidente.

Sugatan din ang pito pang sundalong miyembro ng 64th IB at 18th IB.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nauna nang sinabi ni Joint Task Force-Basilan commander Brigadier General Domingo Gobway, sumiklab ang sagupaan nang paputukan ng mga miyembro ng MILF ang grupo ni 64th IB commander Lt.Col. John Ferdinand Lazo sa gitna ng negosasyon nitong Nobyembre 8.

Nakiusap aniya sa kanila ang mga bandido na pahintulutan silang dumaan sa lugar patungong Barangay Ulitan.

Aniya, kaagad niyang pinayagan ang mga ito, gayunman, sinabihan din sila na huwag nang dalhin ang kanilang armas kasabay na rin ng pagdedeklara ng ceasefire.

Sa kabilang ng tigil-putukan, umatake pa rin ang grupo ng mga miyembro ng MILF nitong Martes ng gabi hanggang kinabukasan na nagresulta sa pagkasawi ng tatlong bandido.