Ipinalasap ng NorthPort Batang Pier ang ikalimang pagkatalo ng NLEX Road Warriors, 105-94, sa pagpapatuloy ng PBA Commissioner's Cup sa Araneta Coliseum nitong Miyerkules ng gabi.

Muntik nang maka-triple-double si Robert Bolick, Jr. matapos humakot ng 33 puntos, 12, rebounds at pitong assists para sa Batang Pier, habang ang kakamping import na si Prince Ibeh ay naka-22 puntos, at 17 rebounds.

Naka-double-double naman ang rookie na si William Navarro dahil sa kanyang 17 puntos at 13 rebounds, bukod pa ang pitong assists at dalawang steal.

Nag-ambag naman ang kakampi nilang sina Jeff Chan (12 puntos), Roi Sumang (11 puntos), at Arvin Tolentino (10 puntos).

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Sa unang bugso ng laban, rumatsada kaagad ang Batang Pier sa nakuhang bentahe, 23-13, sa tulong ni Navarro.

Nagtangka pang humabol ng Road Warriors sa second half, gayunman, hindi nasiraan ng loob sinaSumang at Bolick hanggang maiuwi nila ang panalo.

Kumubra pa rin si NLEX import Earl Clark ng 29 puntos, 16 rebounds at anim na assists at naka-18 puntos lang ang teammate na si Kevin Alas.

Hawak na ng NorthPort ang rekord na 4-5, panalo at talo at bumagsak naman sa 3-5 ang baraha ng NLEX.