Inihayag ng Department of Health (DOH) na nakapagtala pa sila ng 1,241 panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 nitong Nobyembre 9.

Sa pagkakadagdag ng nasabing bilang, nasa 4,012,868 na ang kabuuang kaso ng sakit sa Pilipinas mula nang maitala ang unang nahawaan nito noong 2020, ayon sa DOH.

Kabilang sa nasabing kaso ang 310 na naitala sa Metro Manila.

Umakyat naman sa 15,989 ang aktibong kaso ng sakit at 24 naman ang naiulat na binawian ng buhay.

National

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol

Sinabi ng ahensya, nasa 3,932,557 na ang nakarekober sa sakit.

Naitala ang panibagong kaso ng sakit kahit umabot na sa 73.5 milyon na ang bakunado sa bansa.