“Kung walang love, wala tayong buhay.”

Ito ang malinaw at kumpiyansa pa ring paniniwala ni Kapuso star Carla Abellana sa kabila ng pinagdaanan ng kaniyang puso kasunod ng hiwalayan nila ni Kapuso actor Tom Rodriguez.

“Kaya nga may earth kasi God loves us. There’s a family love. The love of your dogs. [Sa] barkada. Love [is] definitely all around,” aniya pa sa panayam ni Luis Manzano sa YouTube, Sabado, Martes.

Basahin: Carla Abellana sa naranasang low point: May mga bagay at taong ‘di natin kayang baguhin – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Samantala, abala naman ngayon sa ilang ventures ang Kapuso actress.

Nariyan ang kaniyang pagkahilig niya sa paggawa ng sabon at kandila, maliban na sa kaniyang showbiz career.

Aasahan din ang comeback ng aktres sa kaniyang YouTube channel.

“I’m also building my home. Masarap na feeling at experience. It’s a blessing that you get to build your home because not everybody get to even have their own home,” pagbabaghagi rin ni Carla. “Magastos at masakit sa ulo. Sulit naman,” dagdag niya.

Samantala, wala namang balak si Carla na baguhin pa ang kaniyang past.

“Para tuloy hindi ka pa nakakabitaw from your past or whatever that moment is. Wala naman akong babalikan para palitan o ibahin,” positibong sagot ng aktres.

“Whatever [that] happened, meant to be yun,” aniya pa.

“It’s just a matter of how you live out those moments. How you react to those moments,” dagdag niya.

&t=1249s