Maging si ex-Pinoy Big Brother housemate at aktor na si Albie Casiño ay hanga sa financial success ng online personality at negosyanteng si Xian Gaza.

Matapos iflex ng kontrobersyal na online personality sa isang Facebook post ang nasa mahigit P463 million na net worth nitong Martes, ilan sa malalapit na kaibigan nito ang agad na napa-react.

Basahin: Xian Gaza, ipinagyabang ang halos kalahating bilyong net worth – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Isa na nga rito si Albie kung saan gamit ang kaniyang personal na Facebook account, nagpaabot ng kaniyang paghanga ang aktor sa negosyante.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“No joke, dapat tularan natin si idol. Love him or hate him he’s winning! Congrats lods!” mababasa sa komento ni Albie.

Pagtugon agad ni Xian, “Alan Benedict ang lakas pala ng dating kapag yung ganyang linyahan ay galing sa isang Albie Casiño. Labyu, Bro. See you on top.”

Nagpatuloy pa ang usapan ng dalawa na tila mauuwi naman sa posibleng reunion.

“Bisita ako Thailand soon! Shoot na natin podcast boss,” ani Albie.

“Borther, tropa kita. Kung saan ka masaya susuportahan kita, PM [private message] ka lang,” tugon ng negosyante.