Nitong Martes, ipinakilala na bilang Calendar Girl AT Queen of the Barangay ng Ginebra San Miguel (GSM) ang aktres, at recording artist na si Yassi Pressman.

Ipinakilala ng brand si Yassi sa isang online reveal sa Facebook.

Sa kasaysayan ng brand, ilang kilalang personalidad sa showbiz ang naging mukha na ng kanilang mga kaugnay na produktong alak mula sa ilang maningning na aktor sa showbiz, beauty queen, hanggang sa pumasok din sa linya ang ilang online personalities kamakailan

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Susundan ni Yassi ang mga yapak nina Sue Ramirez, Chie Filomeno, Pia Wurtzbach, Sanya Lopez, Solen Heussaff, Anne Curtis, Kim Domingo, at Marian Rivera.

Tila all out na nga ang showbiz comeback ni Yassi matapos mapabalita ring bagong Kapuso ng GMA Network.

Noong Hunyo, matatandaan naman ang pagpasok ni Yassi sa music label ni James Reid na Careless.

Basahin: Liza Soberano, Yassi Pressman, narekrut na rin ng music label ni James Reid – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid