Hindi mapapanuod sa taunang “Magpasikat” ng “It’s Showtime” ngayong taon ang nakapiit pa ring host na si Vhong Navarro habang gumugulong ang kasong rape na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo.

Nitong Lunes, Nob. 7, napag-usapan na ng hosts ng noontime show ang nalalapit nang pasiklaban ng kani-kanilang grupo sa anniversary special ng programa.

Simula next week, aarangkada na ang “Magpasikat 2022” at unang sasalang nga ang grupo ni Anne Curtis kasama sina Ion Perez at Jackie.

“Sobra kaming excited!” pagbabahagi pa ni Anne.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Kahit pilit namang hinihirit ni Vice Ganda sa asawa ang pakulo ng kanilang grupo ngayong taon, todo-tago naman ang mister sa nalalapit nilang pasabog sa susunod na Lunes.

Pagbabahagi pa ni Anne, handa na sina Jackie at Ion na sumabak sa ilang stunt at bonggang production number, bagay na pinag-iingatan ng host ngayon bilang isa nang ganap na ina kay Dahlia.

Samantala, ilang fans naman ng noontime show ang naalala ang nakapiit na host na si Vhong.

Sa ilang komento sa YouTube, ilang online Showtimers ang nagpahayag ng pagka-miss sa host.

“Sana surprise sa 'Magpasikat' darating si Kuya Vhong,” umaasang komento ng isang fan nitong Martes sa YouTube channel na Kapamilya Trending.

“Sayang wala si KUYS VHONG sa MAGPASIKAT this year,” segunda ng isa pang subscriber.

“First time wala si Vhong,” sey din ng isa pang fan.

Basahin: Ni-rape nga ba? Deniece Cornejo, tumestigo vs Vhong Navarro sa bail hearing – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nahaharap si Vhong sa kasong panggagahasa umano kay Deniece sa condominium unit nito sa Bonifacio Global City noong Enero 17, 2014.

Kasalukuyang nakakulong pa rin ang host sa National Bureau of Investigation (NBI) mula nang sumuko nitong Setyembre 19 kasunod ng inilabas na warrant of arrest ng korte para sa nabanggit na kaso.

Walang inirekomendang piyansa ang hukuman sa pansamantalang kalayaan ni Vhong.

&list=PLhQL7fkM5FQLu3VWTOcoognInl-I4Ynbq