Bagong pakana na naman ng celebrity couple Solenn Heussaff at Nico Bolzico ang nagpahalakhak sa maraming netizens nitong Martes.

Sa kaniyang Instagram video, makikita ang gumigiling na preggy mom habang sa gilid ay nagbabasa naman ang kaniyang mister.

Ang ikinaloka ng netizens, habang nagsasasayaw si Solenn at nakatambad ang kaniyang baby bump, makikita ang ilang kitchen wares na nakasulakbit sa kaniyang balikat, ulo at bewang.

“When you are pregnant and trying to seduce your husband before making dinner,” mababasa sa IG pakulo ni Solenn.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dahil sa kuwelang video, agad na inulan ng good vibes ang IG post.

“Are you guys bored?! Hahaha” komento na lang ni Anne Curtis sa kabaliwan ng couple.

“Nico is clearly turned on by this! 🔥😂” paggatong naman ni Iza Calzado sa video.

Laugh trip din ang dala ng video maging sa ilang celebrities na sina Bubbles Paraiso, Tim Yap, Katarina Rodriguez, Jerald Napoles, Shaira Diaz bukod sa iba pa.

Basahin: Solenn Heussaff, power-workout pa rin kahit preggy; sari-saring benepisyo nito, alamin! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kasalukuyang nasa pitong buwan sa kaniyang pagdadalantao si Solenn para sa ikalawang chikiting.