Pinatulan ni celebrity fashion star Heart Evangelista ang walang prenong komento ng isang body shamer sa kaniyang Instagram kamakailan.

Bagaman kadalasan ay papuri ang tinatanggap ng Kapuso star sa kaliwa’t kanang pagrampa sa ilang fashion events sa labas ng bansa, tila hindi pa rin nawawala sa social media nito ang ilang bashers.

Matapos magbahagi ng isang Instagram reel noong Nob. 2, game na game na ibinahagi ni Heart ang ilang look options para sa ilang brand partners.

As usual, inulan ito ng positibong komento mula sa kaniyang avid fans at followers.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Maliban na lang sa isang body shamer.

“U look like butiki! Lol!” saad ng itinagong netizen kaugnay sa katawan ng fashion socialite.

Tila hindi naman nagpigil si Heart at binuweltahan ang basher.

“Omg I really tried to look like that!!:) Buti ka pa effortless :),” pagresbak ng aktres.

Ilang masugid na followers din ng aktres ang rumesbak sa body shamer na pilit pang dinepensahan ang unsolicited comment.

“I don’t mean harm or bad way,” paliwanag pa ng basher.

Hindi na pinag-aksayan ng aktres ang muling pagsagot pa sa naturang netizen.

Sa edad na 37, si Heart na kilala ng publiko bilang isang aktres, author, model, at businesswoman ay hindi na bago sa public limelight.

Gayunpaman, ilang pagkakataon pa ring binubuweltahan ng aktres ang kaniyang bashers, lalo na kung partikular na inaaatake ang kaniyang sariling katawan.