Wala nang buhay ang isang 7-anyos na batang lalaki nang matuklasan ito ng kaniyang inang inakalang natutulog pa sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Sta. Lucia, Nagcarlan, Laguna noong Sabado, Nobyembre 5, at saka lamang napansing may mga tuklaw ito ng ahas.

Ayon sa panayam ng ina ng bata na si Jennifer Villa, natuklasan lamang niya ang insidente dakong alas-6:00 ng umaga habang ginigising na ang anak na si Neo Andi Daño; subalit huli na dahil patay na ang anak matapos mapansin ang mga kagat o tuklaw ng ahas sa mukha, braso, at binti.

Naisugod pa ang bata sa Nagcarlan District Hospital subalit huli na ang lahat dahil "dead on arrival" na umano ito, saad ng mga doktor, matapos masawi sa kamandag nito.

Batay sa pagsisiyasat, nagtamo ng pitong tuklaw ng makamandag na cobra ang bata sa kaniyang mukha, braso, at sa kaniyang binti habang mahimbing na natutulog. Kaagad namang natuklasan ang pinagtataguan ng cobra sa loob ng bahay, na naispatang nagsusumiksik sa ilalim ng refrigerator. Agad itong napatay ng mga kapitbahay ng biktima.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Ayon pa sa ulat, naaalarma na raw ang mga residente ng barangay dahil ito na raw ang ikalawang kaso ng panunuklaw ng cobra sa kanilang barangay.