Kasalukuyang trending sa YouTube ang latest vlog ni celebrity fashion icon Heart Evangelista tampok ang kaniyang naging Milan Fashion Week.

Nitong Setyembre, nagbalik sa Milan, Italy si Heart para sa isa na namang fashion adventures.

Ito nga ang ibinahagi ng aktres sa isang YouTube episode noong Sabado kalakip ang ilang behind the scenes sa lagareng fashion week kasama ang dalawang kaibigan at assistant na sina Justin at Jecka.

Sa pagsisimula ng vlog, humble naman na nagpakilala muli ang Kapuso star sa ilang bagong subscribers sa kaniyang channel.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Dito, nilinaw at ipinaliwanag niya ang kaniyang maya’t mayang paglipad sa ilang fashion events sa iba't ibang bahagi ng mundo.

“We go to fashion week because it’s our work aside from the fact that it’s very fun,” simpleng saad ni Heart.

Nagbalik naman ang aktres kung paano siyang nagpasya namang pasukin ang fashion industry sa kabila ng successful acting career.

“I started fashion week because I was trying to be creative with my time,” aniya.

“Of course, for those of you who don’t know me, I’m an actress in the Philippines but during the days I’m not acting, I’m like a puppy following everyone around,” pagbabahagi ni Heart.

“[So] I decided to get into fashion. And now we are here for fashion week,” aniya.

Matatandaang ilang beses nang nasita ng online bashers si Heart dahil sa kaniyang magarbong fashion taste.

Ang lingid sa kaalaman ng ilan, bahagi ito ng trabaho ng aktres bilang ambassador, at partner ng naglalaking global fashion brand.