Ngayong taon lang nagsimulang tumakbo si Pia Wurtzbach kaya naman halo-halong emosyon ang naramdaman ng beauty queen-actress kasunod ng kaniyang matagumpay na pagsabak sa New York City Marathon.

Sa isang mahabang Instagram post, ibinahagi ni Pia ang kabuuang karanasan.

“The NYC Marathon wasn’t a race, it was an experience. A life lesson. Probably the best run of my life. I saw and felt so much. I AM SO HAPPY 🥹 and grateful, inspired, humbled, and emotional…lahat na!” mababasa sa kaniyang IG post, Lunes.

Noong Hunyo nang unang ibahagi ng beauty queen ang kaniyang seryosong pagsabak sa running lifetsyle.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Basahin: Pia Wurtzbach, proud sa progress ng kanyang 3 buwan nang seryosong pagtakbo – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kaya isang fulfilled promise sa sarili ang naging NYC Marathon finish, aniya.

“To me, it was running because I wanted a new challenge, a new discipline — to be healthier & to step out of my comfort zone, to see how far I can go. I knew it would take time and dedication to achieve it but I wanted to stick to that promise no matter where life or work pulled me,” dagdag niya.

“Over the years, I got used to being at the service of others and most of my decisions revolved around work or pleasing others. This time, I stuck by running a marathon for me. This was my way of taking care of myself. And now, it has enriched my life so much because it has put me in a better place, so I feel recharged & energized to be of service to others,” pagpapatuloy niya.

Muli namang niyang pinasalamatan ang kaniyang pamilya, mga kaibigan at personal coach na naging dahilan ng kaniyang buong-pusong pagsabak sa pagtakbo.

“I’m grateful for all the support and cheering on ground and online. I saw your signages, your messages, and posts — kahit sobra yung kaba ko and yung pagod 5 hours in, lumalakas loob ko, 🙏🏼” pagtatapos ng beauty queen.

Ilang kaibigan sa showbiz at kapwa pageant queens naman ang proud sa bagong achievement ni Queen P.

Kabilang sa mga nagpaabot ng pagbati sa Pinay Miss Universe sina Angelica Panganiban, BJ Pascual, Raymond Gutierrez, Iya Villania, Lara Quigaman, ang kaniyang Miss Universe bestie na si Olivia Jordan, bukod sa iba pa.

Sa pag-uulat, pinusuan ng nasa mahigit 400,000 netizens ang bagong running milestone ni Pia.