Kinakiligan at inulan ng puso mula sa kapwa celebrities ang malaya nang pagbabahagi ni Raymond Gutierrez sa dating itinago munang pag-ibig kay Rob Williams.
All-out na ngang iflinex ng Pinoy host at eventologist ang kaniyang lovelife sa social media.
Intimate sa gitna ng karagatan si Mond at si Rob sa ibinahaging larawan sa kaniyang Instagram, Lunes.
As usual, bumuhos agad ang suporta sa Pinoy celebrities sa pangunguna ng kapatid na si Ruffa Gutierrez.
Nagpaulan ng heart emoji para sa love life ni Mond ang kapwa kasamahan sa showbiz kabilang na si Jolina Magdangal, Maja Salvador, Sarah Lahbati, Jake Cuenca, Bianca King bukod sa maraming iba pa.
Matatandaan na noong 2021 lang lumadlad sa kaniyang sekswalidad si Mond.
Noong Hunyo, kasabay ng pagdiriwang ng Pride Month, unang beses na isinapubliko ng host ang boyfriend.
Basahin: Mond Gutierrez, reunited sa kaniyang abogadong dyowa sa Amerika – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Kasalukuyang umani agad ng mahigit 27,000 ang IG post ni Mond sa loob lang ng tatlong oras.