May saloobin si Manay Lolit Solis sa kamakailang fangirl moment ni Kapamilya actress Kim Chiu matapos up-close na mapanuod ang Korean supergroup BLACKPINK sa US kamakailan.

“Dapat siguro sabihan si Kim Chiu na huwag ipakita masyado iyon kilig niya sa Blackpink,” anang showbiz columnist at talent manager sa isang Instagram post, Lunes.

“Kasi parang nagyayaya pa si Kim Chiu na hangaan ng mas marami pa ang Blackpink na isang foreign group,” dagdag niya.

Nananatiling global phenomenon ang K-pop culture na bakas sa kaliwa’t kanang concert ng ilang K-pop personalities at groups, lalo na sa Pilipinas.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Hindi rin nakaligtas sa hallyu fever maging ang ilang Pinay celebrities at kamakailan nga ay itinodo na ni Kim ang pagpa-fangirl matapos lumipad pa mula Las Vegas papuntang Georgia sa Amerika para lang mapanuod ang Born Pink World Tour ng grupo sa kabila ng lagareng schedule.

Basahin: Kapamilya star Kim Chiu, VIP sa concert ng K-pop group BLACKPINK sa US – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sey ng 75-anyos na kolumnista kay Kim: “Mas magandang ini-encourage mo ang mga fans na mas hangaan ang mga local artists natin lalo na ngayon na parang naghihingalo na ang showbiz industry.”

Tila hindi naman kumbinsido ang si Manay Lolit sa pambihirang K-pop craze sa bansa.

“Malay natin naghahanap na naman sila ng mga bagong idols,” anang showbiz insider sa Pinoy audience.

Sa huli, umaasa naman si Manay Lolit na babalik din ang sigla ng local showbiz industry.