Napaaga ang birthday gift ni beauty queen-turned-actress Ariella Arida nang ma-meet ang Oppa Korean star Ji Chang Wook nitong Linggo, Nob. 6.

Isa sa mga masuwerteng fans ng global actor si Ara na present din sa naganap na “Reach You” fan meeting event nito sa Mall of Asia (MOA).

View this post on Instagram

A post shared by ARIELLA ARIDA (@araarida)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Aniya pa, “the warmest oppa I’ve ever met” ang Korean star.

Bagaman napa-sana-all ang maraming netizens, hindi naman maiwasang agad na bumalik sa K-drama fantasy ang ilan nang mapansin ang undeniable chemistry umano ng mga larawan ng Pinay beauty queen at Korean actor.

“OMG, they resemble each other!” anang isang netizen.

“Magkamukha sila!” dagdag nito.

“Bagay silang love team!"

"What if, gumawa sila ng project?"

Si Ariella ang delagada ng Pilipinas sa Miss Universe 2013 kung saan itinanghal siyang third runner-up.

Litaw na litaw pa rin ang alindog Pinay beauty queen katabi ang aktor.

Si Ji Chang Wook ang lead star sa mga sikat na K-drama series “Suspicious Partner,” “Lovestruck in the City,” “Backstreet Rookie,” “The Sound of Magic” bukod sa maraming iba pa.