Sa pag-arangkada ng ilang pre-pageant activities ng Miss Planet International competion, kabogera na agad sa kaniyang flashy wardrobe ang delegada ng Pilipinas na si Herlene Budol.

Suot ang yellow ensemble, litaw na litaw ang kasexyhan ni Herlene sa unang proper appearance nitong Lunes.

“Nagsuot ako ng yellow kasi it symbolizes joy. Para maaliwalas ang dating,” anang beauty queen.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Aniya pa, payo rin ito ng kaniyang manager na si Wilbert Tolentino para agad na mag-iwan siya ng impressions sa pageant brand.

Sa naganap namang orientation with delegates, pasabog pa rin sa kaniyang matingkad na blue dress at cream jumpsuit ang beauty queen.

Suot na rin nito ang sash senyales na opisyal na siyang kinatawan ng Pilipinas sa international scene.

On-point maging ang hair and make-up ni Herlene para sa kabogerang Pinay queen look.

Anang delegada, susundan ng press conference, media briefing at headshot photoshoot ang naging orientation ngayong araw.

Nauna nang naresolba ng team ni Herlene ang kaniyang napurnadang national costume matapos pagpira-pirasuhin at ang masaklap pa ay hindi makalapag ng Uganda.

Basahin: Video ni Herlene Budol habang nakikisaya sa ilang bata sa Uganda, viral – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa isang Facebook post ni Wilbert nitong Linggo, Nob. 6, isinabay sa biyahe ng interpreter ni Herlene ang ikalawang option para sa naturang category.

Basahin: Tuloy ang lavarn! ‘Plan B’ ng national costume ni Herlene Budol, dumating na sa Uganda – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa Nobyembre 19 gaganapin ang coronation finale ng Miss Planet International.