Isa ang Kapamilya singer at OPM icon na si Gary Valenciano sa patuloy na humahanga kay Darren Espanto.

Sa isang Instagram post, Linggo, muling nagpaabot ng kaniyang appreciation ang batikang mang-aawit sa 21-anyos na singer-actor.

Nitong Nob. 5, matatandaang nagtanghal sa Las Vegas sa US ang ASAP Natin ‘To para sa unang international tour nito matapos ang halos tatlong taong pandemya.

Kasama nga sa mga muling nakatrabaho ni Gary V ang "Pabalik Sa'yo" singer.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“This Asian Heartthrob also happens to be Filipino; extremely talented, an amazing vocalist, a sharp dancer, an actor, and an outstanding powerful performer,” mababasa sa IG post ni Gary V kalakip ang selfie kasama si Darren.

“But most of all he also is a genuinely good human being.  [I] am blessed to know @darrenespanto,” pagtatapos ng icon sa kaniyang post.

Pagtugon naman ng Kapamilya heartthrob, “LABYU PO! This means so much. Thank you po! 🙏🏻”

Sa ilang panayam na ni Darren, aminado ang young singer na ang icon ang isa sa mga impluwensya niya sa musika nang nangangarap pa lang noon sa Canada.

Taong 2014 nang unang sumalang sa showbiz limelight si Darren sa pilot season ng The Voice Kids Philippines ng ABS-CBN.

Matapos ang walong taon, ang young personality ay kasalukuyang isa na pinakasikat na idol sa bansa.