Pinanggigilan ng isang netizen sa Twitter ang cute na cute na unica hija ni Kapamilya star Anne Curtis at content creator na si Erwan Heussaff dahilan para pabirong humirit pa itong bibilhin sa isang online app.

Viral sa bird app ang walong segundong video ni Baby Dahlia habang binabanggit ang sikat na Pinoy na expression na “Edi Wow” at “Hay Naku.”

Maikli man ang video, litaw na litaw ang bungisngis ni Dahlia na effortless namang nagpatawa sa kumukuha ng video.

“Napaka-cute!!!” mababasa sa viral tweet.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“May nabibili bang ganito sa @LazadaPH? Send link po @annecurtissmithpara ma-check out ko sa 11.11 EMZ!” sunod na hirit ng netizen.

https://twitter.com/annecurtissmith/status/1589474315762044928

Agad namang napa-react ang “It’s Showtime” host sa tweet.

“That’s my girl 🌼Limited Edition and not for sale! Hahahahahaha 🦋” kuwelang agad na saad ng celebrity mommy.

Sa pag-uulat, umabot na sa mahigit 127,000 views ang adorable short clip ni Dahlia.