Nawalan man ng bagahe ang kaniyang team, all-out pa rin ang energy ni Herlene Budol nang salubungin ng mga bata sa Uganda.

Ito kuha sa viral na video na ngayon ng beauty queen kung saan tila agad na nahuli ang kiliti ng mga bata sa kabilang bahagi ng mundo.

Basahin: National costume ni Herlene Budol, hindi nakarating sa Uganda; nanawagan sa airlines – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa video, makikitang napapalibutan ng mga bata si Herlene na game namang isinigaw ang “Philippines” bilang paunang pag-cheer sa delegada sa gaganaping Miss Planet International sa bansa.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Napasayaw din ng Pinay ang mga bata na kapansin-pansing excited din sa presensya ni Herlene.

“Salubungin ka ng mga batang masayahin na parang mga kababayan ko lang na kahit anong dagok ang dumating sa atin buhay hindi nila nakakalimutan ngumiti! Ang kanilang halakhak at hiyawan ay nagsisilbing inspirasyon para ipagpatuloy ko ang aking misyon. Oli otya Uganda! 🇺🇬” mababasa sa IG post ni Herlene nitong Linggo.

Hinangaan naman ng followers ng beauty queen ang anila’y effortless na personality nito para agad na makasundo ang mga bata.

Ngayon pa lang, proud na ang maraming netizens sa kinatawan ng bansa sa nabanggit na pageant.

Sa Nobyembre 19 gaganapin ang coronation finale ng Miss Planet International.