Sinuspindi ang pasok sa opisina at klase sa mga paaralan sa ilang lugar sa Leyte at Samar upang bigyang-daan ang paggunita sa ika-siyam na anibersaryo ng pagtama ng Super Typhoon Yolanda.

Kabilang sa mga lugar na nagsuspindi ng klase sa lahat ng antas at opisina sa pamahalaan ang Tacloban City, Carigara, at Palo sa Leyte, at Marabut sa Samar.

Ayon naman kay Tacloban Mayor Alfred Romualdez, magsasagawa sila ng serye ng aktibidad sa lungsod bilang paggunita sa hindi malilimutang pagtama ng bagyo na nagbigay sa kanila ng aral noong Nobyembre 8, 2013.

Matatandaang bukod sa Tacloban, nag-iwan din ng matinding pinsala ang bagyong Yolanda sa ilang lugar sa Leyte at Samar na ikinasawi ng mahigit sa 6,000 residente.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Tampok din sa aktibidad ang inaasahang pagbisita sa mga puntod ng mga nasawi sa nasabing bagyo.