Cagayan -- Tinutugis ngayon ang isang carwash boy matapos nitong tangayin ang kulay silver na 2018 model na Ford Everest Titanium nitong Sabado ng hapon, sa Sanchez Mira, Cagayan.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Hernand Z. , 24 at nagtatrabaho bilang car wash boy sa nasabing bayan.

Ang plate number ng sasakyan ay COU787 na may conduction sticker na 787.

Naglabas na ng "Flash Alarm" ang mga awtoridad sa ibang bayan para mahanap ang nawawalang sasakyan.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Umapela ang PNP sa publiko kung sakaling magkaroon ng impormasyon tungkol sa sasakyan at suspek na makipag-ugnayan sa 0917 532 0081 o agad na magsumbong sa pinakamalapit na Police Station.