Natunaw ang maraming netizens at kapwa celebrities sa cute na cute na mga larawan ng bunso ni Kapamilya actress Dimples Romana na si Baby Elio Juan.

Sa isang Instagram post, ilang serye ng mga larawan ni Baby Elio ang makikitang ibinahagi ng celebrity mom.

Dito, litaw na litaw na ang adorable smile ng apat na buwang celebrity baby.

“Boss, hinay hinay tayo sa papungay ng mata at ngiti, 4 months ka pa lang#ElioJuanManolo😅😂🥰♥️

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Blessed Sunday morning from our bunso,” mababasa sa IG post ni Dimples.

Agad namang pinanggigilan ng netizens at kapwa celebrities si Baby Elio.

“Hangwapo sis,” komento ni Carol Banawa.

“Sobrang pogi halaaaa,” sey ni Kapamilya actress Charlie Dizon.

“Gwapo!” ani Jhong Hilario.

“Hang cuteeee” komento ni Vina Morales.

Basahin: Dimples Romana, magbabalik alindog matapos ang ikatlong panganganak via C-section – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Noong Hunyo nang isilang via cesarean section ni Dimples ang ikatlong chikiting.