Sugatan ang mga gurong sakay ng isang bus matapos mahulog sa bangin sa Orani, Bataan nitong Sabado ng umaga.

Sa paunang report ng pulisya, kaagad na dumating ang mga tauhan ngOrani Rescue Unit, at Metro Bataan Development Authority upang saklolohan ang mga guro.

Sa pahayag naman ni Bataan Police chief, Col. RomellVelasco, binabagtas ng sevicebus ng Department of Education (DepEd), ang pakurbadang national highway sa Barangay Tala, Orani nang biglang bumulusok sa bangin.

Minamaneho umano ni Marcelino Oliva, 62, ang bus nangbiglang pumalya ang preno nito kaya nahulog ito sa bangin.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nasa 47 na guro ang sakay ng bus nang maganap ang aksidente, ayon pa sa pulisya.

Sa Facebook post naman ng isa sa gurong si Mon Aspa, convoy ang tatlo nilang bus pauwi na sa Quezon City galing sa isang seminar sa Bataan nang maganap ang aksidente.

Sinusundan aniya nila ang naturang bus nang biglang mawala ito sa kanilang paningin.

"Kaya pala wala na kaming sinusundan," sabi pa ni Aspa habang kinukunan ang mga kasamahang guro na inililigtas mula sa nahulog na bus.